Aking Kaibigan

0

Written on Tuesday, October 14, 2008 by Phillip Zcesar

Ako'y may isang kaibigan
Tisay ang kanyang pangalan
Kami'y madalas magkwentuhan
Kahit sa loob ng eskwelahan

Siya'y aking maasahan
Sa oras ng pangangailangan
Handa siyang ako'y tulungan
Hanggat kanyang makakayanan

Dala kong problema'y gumagaan
Sa tuwing kami'y nagsusulatan
Naglalaho aking kalungkutan
Dulot niya sa'kiy kaligayahan

Kaakit-akit kanyang kariktan
Nakakalungkot na malaman
Siya'y mayroon ng pinakasalan
Nangako na sa loob ng simbahan

Ako nama'y isang kaibigan
Hangad sa kanya'y kaligayahan
Ituturing kong kasalanan
Kung siya'y aking makalimutan


by; Silentkiller

If you enjoyed this post Subscribe to our feed

No Comment

Post a Comment