Dahil sa liwanag ng buwan

0

Written on Saturday, October 11, 2008 by Phillip Zcesar

Dahil sa liwanag ng buwan
Ngalan mo ay 'di malimutan
Nais na ikaw ay makamtan
Ika'y aking pakakasalan
Kahit saan pa mang simbahan

Dahil sa liwanag ng buwan
Iyong karikta'y nasilayan
Sana tayo'y magkapalaran
'Pagkat walang hinahangaan
Kundi ang iyong kagandahan

Dahil sa liwanag ng buwan
Natanto aking daraanan
Nalaman iyong kaibahan
Buhat sa iyong kapaligiran
Nang walang alinlangan

Dahil sa liwanag ng buwan
Ang tibay ng pag-iibigan
Ilang ulit mang sinubukan
Hanggang sa kamatayan
Hindi makakayang pigilan

Dahil sa liwanag ng buwan
Pag-ibig ko'y lubus-lubusan
Nakahanda na ika'y alayan
Nang walang hanggang katapatan
Sabihin mo lang aking hirang

by: Silentkiller

If you enjoyed this post Subscribe to our feed

No Comment

Post a Comment