Di Inakala
Written on Sunday, October 12, 2008 by Phillip Zcesar
Parang kailan lang nung una tayong magkakilala
Ikaw ay isang babaeng laging nagsusuplada
Ang laging sinasabi'y hindi kita kursunada
Ngunit 'di ko akalain na sa aki'y bibigay ka
Binibigay kong mga rosas ay binabalewala
At ako raw ba ay ganun lang ang kayang magawa
Sapagkat sa mga rosas ikaw ay nagsasawa
Ngunit 'di ko akalain pag-ibig mo'y madarama
At sa bawat sulat na aking ipinapadala
Ay hindi maitatatwang nakokornihan ka
Sa iyong harapan 'di ko kayang makapagsalita
Ngunit 'di ko akalain na ika'y maniniwala
At kapag ikaw ay aking inihahatid na
Parating sinsabi'y kaya kong umuwi ng mag-isa
Kahit pa sa mga pinakamalayong probinsiya
Ngunit 'di ko akalain desisyon mo'y mag-iiba
At sa tuwing sasabihing minamahal kita
Laging bukambibig maghanap ka na lang ng iba
Sapagkat tayo ay hindi para sa isa't-isa
Ngunit 'di ko akalain sa tulad ko'y iibig ka.
by: Silentkiller