Isang Umiibig

0

Written on Monday, October 13, 2008 by Phillip Zcesar

Mula ng ikaw ay aking makilala
Malungkot na buhay ko'y biglang nag-iba
Napalitan ang bawat lungkot ng saya
Ang mga pagsubok ay aking kinakaya

Sa bawat sandaling ika'y aking kasama
Ibayong kasiyahan ang nadarama
Ng aking pusong nagmamahal sa'yo sinta
Ikaw lang ang mahal at wala ng iba.

Kung ako'y maraming buhay aking sinta
Isa-isa ko itong sa iyo'y itataya
Ika'y hindi magdadalawang salita
Sapagkat ako sa iyo'y isang pinagpala

Pangarap na minimithi nating dalawa
Pinapanalanging matupad bawat isa
Ng ang ating buhay ay maging maligaya
Sana'y maging matatag ating pagsasama

Dumating man araw na tayo'y tumanda
Pag-ibig ko'y mananatiling sariwa
Iyan ang sa iyo'y aking isusumpa
Sana sa'kiy ika'y may pagtitiwala


by: Silentkiller

If you enjoyed this post Subscribe to our feed

No Comment

Post a Comment